Tuesday, August 5, 2014

Glenda

One starry starry night in July… ♫♪♪♫


Pero hindi naman…makulimlim nga. Tig-bagyo!
July 16. Kakatapos lang magbirthday ni Chris Tiu.
Sinong mag-aakalang mabibiktima kami ng bagyo?
Sinong mag-aakalang matutuklapan kami ng bubong?
Ganun pala yon!
Habang binabayo ng malakas na hangin at ulan ang nabuksang parte ng bahay nyo…
at binabaliktad nitong pilit ang bubong nyo…
Wala kang magawa
Nagdarasal ka na lang ng “Tama na. Tama na please.”
Yung takot mo nung inakyat ng papa mo ang bubong nyo para ayusin habang patuloy pa rin sa pagpapamalas ng kasungitan ang panahon…
Yung kaba mo na baka may masamang mangyari…
Wag naman sana. Panteleserye lang yon eh.
Isabay pa ang kaguluhan ng mga tao sa paligid.
Lumiwanag na pala!
Tumataas ang ilog!
Pataas ng pataas.
At kailangan na raw naming lumikas
Hindi. Ayoko.
Ano? Tatambak sa evacuation area? Tapos mavi-video?
Ayoko nga!
Ayoko ring pumila para lang sa relief goods!
Ayoko!
Sabihin na nating maarte at mapagmataas pero ayoko talaga.
Pang TV lang yon!
Ayokong pagpyestahan ng lahat ang buhay ko!
Ayokong kinaaawaan ako.

Hindi ko alam kung malakas pa ako sa taas pero siguro napadaan lang talaga ang sama ng panahong iyon.
Hindi naman kami naabot ng ilog.
Pero basa ang mga gamit. Hindi kami binaha. Sumalok kami ng tubig ulan!
Ayun!
Apat na araw na absent.
Brownout.
Ganito pala.
Ang bonding namin ng pinsan ko ay kainaman!
Laba sa umaga.
Nagbabasa ng pocketbook sa gabi sa tulong ng naghihingalong kandila.
Nagkukwentuhan sa gabi. Nagtatakutan.
Para kaming na-shutdown sa syudad.
Pero masaya pa rin sa kabila ng lahat.

Ngayon…
Mabuti na lang may bagong bubong na kami.
Masarap na sa pakiramdam iyong malakas ang ulan pero kampante kayong nakahiga at hindi nag-aalinlangan.

Kung bakit ko ito naisulat?
Hindi ko rin alam.



Reflection:
Lahat ng tao may first time.
Ang akala mong napapanood mo lang sa tv noon pwede rin palang mangyari sayo.
Kaya… ingat-ingat. 









*Photo credit goes to their rightful owners.




-gen