Friday, May 20, 2011

My First Birthday

May mga bagay na kahit iyakan mo pa, kahit gaano kasakit…HIndi pa rin nagbabago. May mga hiling na kailanman, hindi pwedeng pagbigyan. May mga bagay na nasa sa’yo na dati, ang wala na ngayon… May mga pangyayaring first time…
Ngayon ko lang narealize…First time ko nga pla to. First Birthday ko without the very reason of my existence.. :( Sobrang ibang-iba! Lalo na kanina paggising ko. First time kong lagnatin sa Birthday ko! Ang sama ng pakiramdam ko. :( Taz, xmpre…ndi nman kami ganun kaluwag kaya wala tlga akong handa… Ok lang naman skin eh! Ok na! Gumaling na lang ako at kailangan ko ng pumasok bukas. Pero I know, deep in my heart, malungkot ako. Kasi..bday ko. Bday ko pero walang masayang nangyayari sa araw ko. :( The clock strikes 3. Aun! Tinanggap ko ng bibilangin ko na lang ang oras para lumipas ang araw na ito..pero VIOLA! SURPRISE! Dumating cna mameh at mam!
:’( Sympre iyak ako! Akala ko kasi tlga nasa SM Lipa cla. Taz un pla, pinagluto nila aq ng favorite kong bihon at gelatin. T_T Sobrang touch aq sa mameh ko nong niyakap nya ako. :’( Meh…d m lng tlga alam kung gano mo ako napasaya! Sobrang thank you!
….Aizt! Sa sakit, sa emote, ndi q namalayan na bday ko pla…. HIndi na ako nakakantahan ng bday song. Well, ganun yta tlga pag tumatanda na…ndi na kelangan un..pero baliktad ako. Mas lalo kong nammiss ang ganun. Den…namimiss kita ‘Ma! Sobrang miss na miss kita! Masama pa rin pakiramdam ko ‘Ma, feeling ko kapag nahiga ako lalagnatin na ulit ako. Pero gusto ko ng pumasok bukas. Aizt!
‘Ma! Nammiss ko ung pag-aalaga mo skn pag may skit ako. :’( Namimiss ko ung pag-aalala mo kay papa kapag nalalasing sya… Namimiss ko ung bati at hug mo skin tuwing 9:45am ng “Happy Birthday ‘Nak!” ‘Ma! Namimiss na kita! Miss na miss na kita! Dapat nandito ka! :’(
Hindi talaga kayang ibigay ng mundo ang wish ko! Iyon ay ang ibalik ka! ‘Ma, gusto kita uling makasama…. iyon ang wish ko… iyon ang birthday wish ko… :’(

No comments:

Post a Comment